May 8, 2013

Pacunda

4 comments:
Kung hindi ko pa hindi sinasadyang mabasa yung blog ni badoodles at ni lio loco, makakalimutan ko nang may isa akong blog. Parang isang sabik na tuta sa padating na amo. Yan ang pakiramdam ko. Sa sobrang pagkagusto ko na magsulat hindi ko na nga alam kung saan ko uumpisahan ang pagkukwento tungkol sa buhay ko.

Wala namang espesyal.

Lumipat na ako ulit ng trabaho. Medyo tatlong tambling lang mula sa dati kong opisina. I dont eat shit kasi. Medyo mahabang kwento pero paikliin natin. Hindi naman ako naabsorb doon kaya buti na lang, oo pasalamat talaga ako.

Mapagpanggap na associate software engineer sa isang karinderya malapit sa pang walong MRT Station mula sa dulo. Kung saang dulo, kaw na bahala.

Masaya rin naman. Yung totoo wala akong kaibigan.

Ang alam ko madaldal ako at mahilig makipag kwentuhan kahit tungkol pa sa alikabok ang usapan. Siguro kasi puro ECE ang mga katrabaho ko kaya natatameme ako tuwing mag uusap sila tungkol sa board exam at sa review center na sa palagay ko magkakaklase sila.

Kaya rin siguro medyo duda sila kapag sinabi kong medyo dapat ganito ang gawin kasi ganun. Hindi ako kapanipaniwala. Haha. 

Lumipat na rin ako ng tirahan sa Pasig. Sariling kwarto kaya malaya ako kung sino ang patuluyin ko. Medyo hindi ko gusto kung iisipin mo na magpapatuloy ako ng lalaki pero pwede rin naman kung sing gwapo nito .

Hindi pa rin naman natatapos ang problema ko. At wala na rin naman akong balak na mamoblema pa tungkol sa mga problema ko.


Medyo hindi ko lang gusto minsan na may maingay akong kapit bahay na nag aaway tungkol sa kung sino ang dapat bumili ng yelo at kung sino ang palamunin sa pamilya. Medyo alam ko na rin na kaya sila nag aaway kasi walang tumatao sa tindahan at nakikipag chismisan lang si Mylene. Hindi ko kilala si Mylene pero firstname basis agad kasi sigurado naman ako na aware s'ya na nadidinig ko habang binobroadcast n'ya na chickboy yung asawa ng kapatid n'ya.

Medyo na wala na sa kwento pero yun nga. Medyo ayoko din yung maingay na truck ng basura dito sa Pasig na may kakaiba at nakakabaliw na tugtog habang nangongolekta tuwing umaga.

Medyo sawa na din ako sa pagkain ng mga hotdog at maling na tinda sa tapsihan sa ibaba ng apartment ko kaya nagbabalak akong bumili ng kalan.

Medyo napag iiwanan na rin ata ako ng mga kaibigan ko noong bata ako dahil lahat sila ay mag aasawa na. Ayokong mag asawa. Ayoko kasi magastos yun lalo na kung wala naman plano sa future yung karelasyon mo.

Hindi naman sa sinasabi ko na walang plano sa future si Panda pero siguro naman hindi pa tamang oras para mag asawa ako dahil nagsisiasawahan na sila.

Madami pa akong kwento kaso mas gusto ko sana kung aayain nyo na lang ako ng inom. Haha.

Yun lang.

Nagmamahal,
Keko