Gusto ko lang sabihin na napatunayan ko na, na kahit anong astig/cool/boyish ng isang babae, babae pa din s’ya at may mga bagay na hindi mo maiaalis sa kanya.
Dati .....
Ayoko ng bulaklak.
Ayoko ng holding hands
Ayoko ng may term of endearments.
Ayoko ng sweet na boyfriend.
Ayoko ng monthsary.
Ayoko ng gift.
Ayoko ng ‘meet the parents’
Gusto ko walang magagalit sa mga simpleng dahilan.
Diba ang cool ko?
Gusto ko lang sabihin na napatunayan ko na, magbabago rin pala ang lahat..
Korni na kung korni pero inlab lang eh.
Kahapon la ako magawa sa net so napagtripan ko mag morph ng picture namin dalawa ni panda. Ano kaya ang magiging itsura ng baby namin kung sakali.
[insert cute picture ng baby here]

Excited kong sinabi kay panda tungkol sa future baby panda na lumabas sa morphing ng pictures namin dalawa.
Keko : ang kyut kaya, singkit haha, basta kyut J
Panda : ha eh. . anu ggwin mo jan? hehe
Keko : [ha eh wala L] wala J
Hindi ako magagalit sa simpleng dahilan pero nyeta hindi man lang s’ya kinilig dahil nageffort ako malaman kung ano magiging tsura ng baby kung magkatuluyan kami. Haha.
Alam ko hindi dapat magalit sa mga simpleng dahilan pero tama rin sila, kasi sa simpleng dahilan na nga lang hindi mo pa mapagkasya ‘yung sarili mo, sa mga big deal pa kaya?
Sana mabalik ko na lang yung dating ako. Yung ayaw sa lahat. Hindi kasi s’ya sanay. Ako rin hindi sanay.
Ayoko na ng flowers.
Ayoko na ng holding hands.
Ayoko na ng term of endearments. Panda, tatang, gago
Ayoko na ng sweet na boyfriend.
Ayoko pa rin ng monthsary.
Ayoko na ng gift.
Ayoko na ng ‘meet the parents’
Hindi na ako magagalit sa simpleng dahilan.
Ayoko na ng may picture together sa FB.
Magsasanay na din ako na madalang na magtext.
Para cool na ulit si Keko.
At pag cool na ulit ako, hahanap na ako ng ibang picture na i-momorph sa picture ko para sa preview ng isang future baby keko.
At para sa mga interesado paki send na lang ‘yung picture nyo sa tiki.plokplok@rocketmail.com.
at para sayo mister panda.
isang malaking I lab you at isang all caps na PAKYU.
:')
9 Comments:
ganun daw pag tumatanda na..pakorni ng pakorni...sa sobrang kakornihan..yung iba joke na lng...
Ako: Ganda ng misis ko ah,lab na lab ko yan...
WonderG: Tae mo! Maglaba ka jan!
Baka naman may mens lang si Panda. (:
nung binabasa ko 'to, bigla kong naalala si dude ko. parehong-pareho kasi kayo. o siguro pare-pareho lang talaga lahat ng babae -- madaling magtampo kapagka hindi nakuha 'yung gustong kiliti.
nasabi ko 'yan kay dude eh; sabi niya ita-try daw niyang iminimize 'yung pagtatampururot niya sa mga simpleng kung anu-anong shit. ganun ang ginagawa namin ngayon - kapag medyo alanganin sa panlasa ng isa ang gawi ng isa, nagka-counseling kaming dalawa at salitan naming sinasabi ang kung ano at ayaw namin sa isa't isa. tapos mag-e-effort kaming iayon sa relasyon 'yung mga kagaguhan namin, 'yung tipong walang nanlalamang at walang nalalamangan. epektib samin kasi hanggang ngayon pareho pa rin kaming inlababo eh.
bringing out the best in each other, ika nga. shinare ko lang baka maging epektib din senio ni panda. stay inlababo, keko! \m/
Eh ano nga naman kase ang gagawin nya dyan. Hahaha. Shaks andame kong tawa. Hahahahahaha.
good luck sa iyo lagi..
takte napatawa mo ako sa huling banat mo na naka all caps pa!
keep cool^^
hoy keko, gnun b ako katagal nwala d2? tignan mo ikaw ngayon,dalaga kna! hahaha
Nakakatuwa naman.. ahihi
Happy for you! ^_______^
GOD BLESS!!
don't 4get to look up!
Post a Comment