
May mga bagay na mas mainam na palipasin at paraanin sa ibang pamaaraan kaysa sabihin ng personal at harapan.
Patawarin mo ako. Sana mabasa mo ito
Sabi mo dati pakicheck ‘yung ginagawa mong program sa visual basic 6.0. Medyo busy ako noon kaya hindi ko natingnan. Naiisip ko kasi na hindi ko mapagtutuunan ng masusing pagaanalisa ‘yung program na ginawa mo dahil marami din akong inaasikaso. Lumipas ang buwan nawala ito sa isip ko.
Sorry. Kasi hindi ko naisip na ‘yung program pala na iyon ay isang letter. Na sa sabrang liit lang ay hindi ko pa nagawang idonwload sa 4shared. Ngayon ko lang ito nabasa. Hindi ko alam kung paano kita I memessage sa putanginang facebook na ‘yan dahil wala na akong internet. Putanginang globe yan. Hehe
Hindi ko alam kung saan magsisimula.
Dati noong kaboardmate pa kita. ‘yung totoo maayos kang kausap kasi nakakasundo kita sa mga bagay na pareho tayong may opinyon. ‘yung totoo, kahit nakakahiyang maglaba ng panty sa harap mo kasi kinakausap mo ako, nagagawa ko kasi nga kausap kita.
Maraming salamat sa mga drawings mo na bigla bigla ko na lang nakikita sa may table namin sa kwarto. Patay malisya lang kasi ako. Salamat sa drawing mo na pirate girl at kasalukuyan kong ginagamit sa blog ko. Alam ko ang kapal ng mukha kong humingi ng pabor sayo. Salamat sa mga research at puyat dahil tinutulungan mo ako sa mga error ng thesis ko.
Salamat kahit pinagkasya mo lahat sa isang form kahit hindi ako masyadong nadalian basahin dahil sa malanding font, ang lahat ng gusto mong sabihin.
Salamat talaga. Salamat.
Hindi man tayo lumampas sa guhit ng pagkakaibigan, tandaan mo mananatili tayong mag kaibigan. Hindi kita malilimutan. Gusto kong sabihin sa iyo na okay lang na batiin mo ako pag nagkakasalubong tayo. Makakahanap ka rin ng ‘sassy girl’. Sa totoo hindi nga ako pasok sa salitang sassy girl mo eh. Ang tanging pagkakapareha lang namin ay pareho kaming nambubugbog at singkit. Wala na. Haha.
Gusto ko makakita ka rin ng isang tao na magmamahal sayo ng bonggang bongga.
Malapit na start ng OJT mo. Goodluck. Malay mo magkasalubong tayo sa ortigas. Haha. By that time, aalukin kita ng meryenda at sisikmuraan kita kapag tatanggi ka.
Maraming salamat.
Watashi wa anata no yƫjin ni kansha shite imasu
I am happy with panda :) at sana maging masaya ka kay sassy girl :) darating din s'ya. soon.
Salamat dito.
4 Comments:
ganda naman ng nilalaman ng sulat....
DITTO.
"God's best awaits us...."
Sinabi yan sa akin ng isang Panda na duamaan sa buhay ko. XD
OK lng UN mga Favor n un I insist nmn eh ahahahaha!!!! Don't worry ala un sa akin ahahahah!! ^____^
shet, ang emo. hehe. pero kahit ganito ung tema, ang sweet pa din. tama ka. may mga bagay na mas magandang idaan sa ibang paraan kesa diretsahan. agree ako jan. :D
Post a Comment