Dec 11, 2010

Si CHKSLG at ang patimpalak.


Nagkukumahog na naman ang mga blogger. E kasi naman may award-award na naman. Hindi ko naikukwento, bukod kay Dear Diarya at Kwentong Barbero, Isa Si Chiksilog sa mga binabasa ko.

Simple. Maldita. Palagay ko magkakasundo kami dahil nakikita ko sarili ko sa mga sinusulat n'ya. At isa pa, kakaiba ang paraan n'ya ng pagsusulat. May angas pero nakakatawa. Medyo papahabain ko lang 'yung entry na ito dahil nakakahiya naman kung isang talata lang ang gagawin ko baka mahalata n'yong busy ako. Haha.

Hindi ko masyadong nabasa yung paraan ng pagboto. Medyo tinamad akong basahin yung mechanics.

Ibinoboto ko si chiksilog, bukod sa may touch of pink ang layout n'ya, Dahil gusto ko yung paraan ng pagsulat n'ya. Tapos. Hehe. At naniniwala akong totoo s'yang blogger. Saka tagalog ang pangunahing lengwaheng gamit nya sa pagbablog . Mas okay sa akin ang magtagalog. Okay din ang mag ingles. Pero medyo masarap kasing pakinggang ang putangna kaysa sa fuck you dickhead. Hindi ba?

Bago n'yo malaman na busy ako, uunahan ko na kayo. Saka na muna ako magsusulat, uunahin ko muna ang pag-aaral. Sagabal talaga ang pag aaral sa pag bablog. Putanginakels lang.

Babawi ako next time. :)

sa mga gustong bumoto kay Chiksilog eto ang link. Basahin na lamang.


1 Comments:

Lio Loco said...

apir tayo diyan, keko. chiksilog for the win! at kasama ule sa finalist for best humor blog ang idol ng lahat na si badoodles idol. sana talaga manalo na siya.

chkslg ftw! and kwentong barbero, too! \m/

at sang makating sangandaan ka ba nagpupuntang bata ka? namiss ko ang kung anu-anong shit mo, alam mo ba? hala, sige! bilisan mong grumadweyt at nang makapag-blog ka na nang walang putanginang sagabal. XD