Isang maligayang bagong taon para sa lahat. Ako na ang atat gumawa ng entry para sa bagong taon. Sa totoo lang natutulog ako nang mahimbing. Hindi manlamang ako nagising sa mga ingay ng paputok. Pero nagising ako sa ingay ng kapit-bahay kong nag aaway. Ikaw ba naman ang makarinig ng malutong na putangina mo. Hehe.
Simula ngayon, sisimulan ko na nang tama ang buhay ko.
Ows?
Okay. Pinapangako ko na susubukan kong magsimula. Convincing? okay.
Isasama ko na sa post na ito ang pasasalamat sa ilang taong naging bahagi ng mga nakalipas na taon. Ang mga taong nais kong hingan ng tawad at hilingan ng isang panibagong simula.
Gusto ko humingi ng tawad sa lahat ng teacher ko noong high school. LAHAT. Hindi ko matandaan kung sino ang nagturo sa aking sumagot sa mga guro. Hindi dahil sa ayokong magpatalo. Siguro dahil gusto kong patunayan na nasa tama ako. Ngayon ko lang naisip na nasa tama man akong lugar, mali naman ang pamamaraan ko.
Kay Sir Bernardo, Principal ng school namin dati, kung buhay ka pa, I'm sorry. Kahit medyo napipikon ako kapag pinag iinitan mo ako at iniismiran, tanggap ko na na hindi mo talaga ako magugustuhan dahil anak ako ng bumabara sa 'yo dati pa. Well, iyon na siguro ang eksplenasyon kung bakit lagi akong naka angil sa'yo. Pero salamat dahil hindi mo ako natiis at binigyan mo ako ng certificate of good moral character.
Sa principal ko noong elem, Sorry po kung kapag natataymingan n'yo ako at nauutusan na lagyan ng tubig na pupuno sa 3/4ths ng baso ay sinusukat ko ng daliri 'yung tubig para sakto. Nainom n'yo na eh. Sana po masaya na kayo sa heaven.
Sa mga nabully ko noong high school, Kung meron man,. (lulusot pa eh), Sorry dahil napagbuntunan ko pa kayo. Wala kasi akong mabully sa bahay, ako kasi nabubully. Shos. Pero totoo 'yun. Sira ulo lang talaga ako dati.
Sa mga classmate ko noong high school na nakasamaan ko ng loob. Kung hindi man, hindi ko naging kaclose, pasensya na, i didn't do my part in reaching out. Natatakot kasi akong mareject. Sana hindi pa huli ang lahat para maayos natin.
Sa ex-bestfriend ko na si Anne, Sana wag mong isipin na ang layo ko na. Tarantado ka ba. Kapit bahay lang kita. Wag mo sana ako kalimutan. Masakit kasi kapag hindi ka namamansin minsan.
Sa mga naging ka boardmate ko kay ka-lina na inurungan na ng regla kaya masungit, salamat. Kila jojo, henry,mark, kuyang kulit at kuyang loner, (na hanggang ngayon hindi ko alam kung sino sa dalawa si michael) salamat sa n'yo.
Sa mga naging pasaway kong kaboardmate na pinasok ko sa kwarto at hinaltakan ng saksakan ng player dahil alas-syete ng umaga at hindi pa nakapagtatanggal ng muta ang Dyos eh kung makapagpatugtog kayo eh daig n'yo pa ang party at idamay ko na rin ang paghingi ng sorry dahil binalibag ko ang pinggan n'yo, kayo kasi hindi kayo naghuhugas, nagpulot pa tuloy kayo ng pinggan. Sorry.
Sa kaboardmate ko na si tin at nomad, na napakatagal maligo, pasensya na kung gumaganti ako minsan lalo na pag nararamdaman ko na late kayo. gago talaga ako oo.
Sa kaboardmate ko na si papa, na nahuli ni ate jackie na naka brief lang pag maglalaba twing madaling araw, wag ka mag alala hindi po ako interesado. Salamat.
Kay ate malou, na kasakasama ko lagi. Salamat sa foodtrip at sa pag aalala. Hindi ko na nakuha ang number mo nawala po ang cellphone ko. Sa tinagal nating magkasama bakit hindi ko naitanong ang apelido mo. Gago nga ako.
Kay Joey, Ang dami nating pinagsamahan na kagaguhan, akalain mong gumradweyt ka na. Sana minsan dalawin mo kami. Miss na kita. Chos.
Sa mga friends ko noong high school, Pusa, J'mee, Khayne, Janix, Bibe, Amiga, Donna, Ame, Aly, Ria, Jamie, mga burat kayong lahat. Salamat sa pagkakaibigan na hindi kasamang nagtapos noong nagtapos tayo ng high school. Sana laging ganito. Sa mga clasmate ko sa Montessori De San Ildefonso, sila Mikho, Toyi,Jc, ALex, Paul, Israel, Uno,Kim, Jed, Leah, Ryan, Lorenz, Jun, Kenneth, Idoy at allen.
Sa mga classmate ko ngayong college, Teka hihinga lang ako. Si Myles, Micah, DinDin. Ramon, Brendo, Ejay, Manong paul (na nagbabasa lagi dito. kupal ka.), Robs, Tune, Hemusu (na galing pa sa isla ng bonita),Ate, Jc, Shan, Nachio, Mane,Rose,C2,Cindy, Yvette, Nikki, Katas, Nerie, Joana, Fercy, Lady, Amor, kung may nalimutan man ako, wag na magreklamo bangag ako ok? Salamat sa isang section na tulad n'yo. Hindi totoo yun sinabi ni ser Alex na nagpaplastikan tayo. Haha. Wag kayong naniniwala don. Kulto 'yon. Sana gumradweyt tayong lahat. Mandatory 'yun kungdi, papaslang tayo ng dean. Chos.
Sa mga Prof ko nitong college ako, salamat sa lahat, nawarak man ang wallet ko sa mga paprojects n'yo at nadeform man ang mukha ko kakaintindi kung papasa ba ako, sorry kung gago ako. Sana ipasa n'yo ako. Parang awa n'yo na.
Kay mam kuyukot, kay sir tayao at sa mga p.e. teachers ko na wla akong natutunan o siguro sadyang wala akong natandaan., salamat. oo nga pala natuto akong umakyat ng puno dahil sa Wall climbing class. Salamat sa makabakat etits na pagpapaakyat sa amin sa wall na may nalalaglag at natatanggal na stones. Safe pa naman s'ya gamitin.
Sa nanay ko na laging kong naookray, Bati naman tayo lagi eh, Sorry na kung tinawag kong caldareta 'yung ano nga ulit 'yung niluto mo, Ako huling bumitaw sa sandok. Saka kahit nagtae ako dun sa halaya masarap s'ya naka-isang lyanera nga ako. Sorry kung pati ako aasikasuhin mo. Pagtuunan mo ng pansin si tatay kasi baka mang umbag 'yun.
Sa tatay ko na pinakamatalino, sorry kung nasasagot po kita, ikaw kasi eh, hilig mo magmagaling, pero salamat, kaya po ako magtatrabaho pag laki para po mabigyan kayo ng magandang buhay kahit matanda na kayo.
Sa mga kapatid ko, kay ate, salamat sa pag aalala mo sa bahay kahit minsan inaaway ka ni nanay, Hehe bati naman tayo gaga. Kay ditse, pasensya ka na sa akin, wala pa kasi akong pamilya kaya ganon, yamo bukas magaanak na ako.
Kay kuya, salamat kasi para kang tatay ko, akalain mo 'yun nakahanap ako ng tatay. Salamat kasi sinuportahan mo ako sa pag aaral na walang hinihinging magandang grades. Matalino lang talaga ako.
Kay diko at sangko na purong gago, salamat, natutuwa ako napatino kayo ng mga asawa nyo, joke. Sana magka anak kayo ng madami, yung mga lalaki para maranasan nyo 'yung kabugukan nyo dati hehe. Pero salamat talaga. Kasi kahit magkalayo tayo ng edad, magka vibes tayo.
Kay sanse, maraming salamat kasi ang haba ng pasensya mo sing haba ng tinggil mo. Salamat sa suporta, hindi ako mag gagago pramis. Gagradweyt ako sa ayaw at sa gusto ng tadhana haha. Gustong gusto kitang maging nanay, totoo ,yun. Kasi hindi ko naranasan 'yung maging close sa nanay na 'yung pati katarantaduhan ko nasasabi ko. Pero s'yempre kailangan kong makuntento bilang kapatid mo.
Kay panda. Salamat kahit gago ka sumasama ka sa gagang tulad ko. Salamat sa pagtuturo ng tamang paraang ng pag utot sa fastfood pagpapasensya sa mga fucklings sa mundo. Akalain mo may maitutulong ka pala sa akin. Salamat sa pagiging matibay na shock absorber.
Kay Lord, Oo walang halong kaplastikan to. Hindi man ako naniniwala sa relihiyon, pero naniniwala ako sa'yo. Sa lahat kasi ng mga bagay na pinanghawakan ko, ikaw lang ang hindi bumitiw. Pasensya na po kung minsan hinihiling ko na patayin ninyo ang kaaway ko pero ako na lang po ang gagawa.
Sa Lahat ng mga bumabasa nito, kung meron man, mahal na mahal ko kayo. Siguro dapat aminin ko na ang sakit ko. haha. Jk. Sana maging masaya tayo ngayong taon. At sana magkita-kita tayo at magkalampagan ng mga baso. Pero s'yempre baka mabasa ng mga alipores ng mga kapatid ko. Yakult ang iinumin ko XD.
Hindi na ako mag mumura. Kaya ko ba? kakayanin sir!
Hindi na ako magiging selfish.
Hindi na ako magiging mainitin ang ulo.
.
.
.
.
Pero ako pa rin si Keko. Tangina.
8 Comments:
tangina pati ako napamura ng di oras. tangina ulet. lufet ng post na toh. parang biglang naimagine ko sarili ko na kilala ko ung mga tao sa buhay mo at ako ikaw... weh? may ganun?! basta panalo! damang dama ko eh bakit ba.
happy new year!
Putanginang post to! Umpisa lang binasa ko, alam ko maganda eh.:)
galing mo keke. piratang keke! :)
Hahaha!Ayos iyan, kaya mo iyan. Happy 2011. =)
binilang ko kayong lahat na magkakapatid - pito, kasama ka. walastik! ibang klase mag-propagate ng genes ang parents mo, keko. ganiyan ka rin kaya ka-productive pagdating ng araw? lol!
merikrismasenahapinuyir! \m/
OMG ang dami mong atraso tinalo mo pa ako hehehehe jk... ang masasabi ko para sa iyo ay, DON'T CHANGE!
@chikletz: maraming solomot. Hindi dahil nagbasa ka. Dahil nagbalik ka! miss na kita! :)
@kudo. Putangina mo sinabing o at hindi e ang keko. haha. I labyu Boy.
@lioloco: oo ganun kalakas ang makina ng mga magulang ko. gusto mo testing? hahaha. LOL.
@tsina: Happy 2011
@glentot: salamat sa pagbabasa :) huwaw.
-keko, ang piratang keke ay ano ba yan >:)
long year ahead!
madami ka pang atraso na gagawin sa susunod na mga araw.
hahahahaa
pinyuyir!
good luck for you this year..
Post a Comment