The lost Pirate

My Photo
si keko
somewhere, out there, Philippines
Trip ko ang tumunganga pero busy ako sa buhay. Marami pa ako gusto isulat at iguhit kaya di pa ako pwedeng mawala sa mundo. Minsan natatakot ako sa bukas pero mas natatakot akong mabura ng ganun ganun na lang.
View my complete profile

September 11, 2009

Palagay nga.


Sa palagay ko, hindi ako mapalagay. Palagay ko lang ha, tulad ng palagay ko na imposible ang nakaparagang hubo, kaya nagiging negatibo ang resulta ng mga pinaggagagawa ng mga Pinoy ay dahil sa mga hebigat na drama na mapapanuod sa t.v. Malay mo kaya pala sinaksak ng kapit-bahay ko 'yung manugang n'ya kasi hindi n'ya matanggap na nabaliw na si rosalinda. Mas mainam pang manuod ng anime kaysa manuod ng mga drama na hinango kuno sa realidad, pero sa ngayon, hindi na uso ang madrastang magsusubsob sayo sa kubeta. Wala na sigurong step sister ang mang aagaw ng Jowa. Nakanangpotek. Palagay ko ang mga writer ng teledrama ngayon ay magkakamag-anak. Pareparehas lang ang kwento nila eh, naiba lang ang pangalan at lugar pero ang twist at daloy ng storya ay magkahugis.
Parang nakakatawa ng konti tulad ng ideya na nagbabayad ang iba para sa isang mahal na kapeng itatae mo rin naman. Sabagay entertainment value naman ang pinag uusapan, basta nahihipnotismo ka sa bakit-bakit na make-up ng bida eh matatawag nang patok ang drama, 'yung tipong magiging zombie ka sa harap ng t.v. tulad ng pagkahumaling natin sa laruang text at pog. Basta nahuhumaling ka sa kapapanuod- hindi na usap kung natawa ka, gumaan ang loob o nasira ang araw mo pagkatapos ang isang oras na panunuod, okey na 'yun. O kaya sobra sa hanep ang kasiguraduhan na papatok ang drama pag sikat ang artista, hindi na issue kung marunong itong magpapatak ng luha nang hindi tatama sa nunal sa ilong.

malamang napansin n'yu na ito:
1. Ang bida ay isang mahirap - kapartner n'ya ay isang mayaman na may ari ng isang acienda.

2. Step mother, step sister , dating kaibigan, kalaban sa pagandahan/patalinuhan sa iskul, nanay ng kasintahan - mga common kontrabida.

3. Kung hindi naman ka ano-ano ng bida ang kontrabida, may isang expected twist sa istorya- nawawalang kapatid niya ito. So magkapatid sila sa ama/ina na nagkahiwalay dahil sa sunog/bagyo/paglubog ng barko. Mas malala - magkakambal sila - hindi mo mawari kung paano nangyari iyon dahil saan mang anggulo ay magkaiba sila.

4. Ang babaeng bida ay ang childhood sweetheart ng lalaking bida. Dati silang magkapitbahay at magkalaro pero dahil yumaman na ang isa sa kanila, kailangan na nitong pumunta sa amerika ,hindi sa Saudi, hindi sa Canada, sa america lang talaga.

5. Syempre bago maghiwalay ang mag childhood sweetheart, may ibibigay ang lalaking bida sa babaeng bida- isang bracelet/kwintas/agimat/kutsilyo/toothpick.

6. May suisidal tendencies ang kontrabidang babae.

7. Ayaw ng magulang ng mayamang bida na makatuluyan nito ang love team nitong mahirap lamang. Aalukin ng pera ang huli para layuan ang anak nila.

8. Mag kukunwaring nabuntis ng bidang lalaki ang kontrabidang babae para lamang pakasalan ito- determination and obsession.

9. Ang nakabuntis sa kontrabidang babae ay isang hoodlum na mahilig magpunas ng baril at may kotseng itim na gagawin ang lahat para lamang sa kontrabidang babae, kasama na doon ang pagkidnap sa bidang babae at ilulublob ito sa isang drum ng tubig habang tumatawa ito at naninigarilyo.

10. Kung nagkataong parehas buntis ang bidang babae at kontrabidang babae, gagawin ng kontrabidang babae ang lahat ng kabaliw-baliw na paraan para lamang na maipalaglag ang dinadala ng una kasama na ang paglalagay ng holen sa hagdanan ng bahay ng babae.

11. Kung hindi natuloy ang plano at nanganak ang bida, ipapakidnap na lamang nito ang anak ng bida, syempre sa boypren nitong hoodlum na nabanggit sa number 9.

13. Aso't pusa ang drama ng dalawang bida sa umpisa pero magkikikire rin naman sa dulo. Kung paano sila nagkadebelopan, ganito 'yun: Nadulas kasi 'yung tangang bidang babae na obvious sa camera na sadya iyon at sasapuhin naman ito ng bidang lalake- tapos titigil ang paligid at magkukulay pula ang ulap. Hanep! slow-motion ang lahat- pero may loop-hole- yung nagbebenta ng fishball sa likod nila eh tuloy lang sa trabaho - palagay ko dapat islow motion din s'ya.

14. May bobang sidekick ang bidang babae na makakaparehas ng bestfriend ng bidang lalaki.

15. Laging may isang Bff na naka tango sa mga plano ng kontrabida. Lagi silang umiinom ng isang kopitang alak, halata namang pop colang may tubig lang iyun. Ito ang nagsisilbing researcher ng kontrabida tungkol sa favorite color at motto ng bidang lalaki.

16. Magiging marahas ang ending. Sasagipin ng bidang lalaki ang bidang babae dahil nga iginapos ito ng kontrabida. Magiging baliw ang kontrabida sa bandang huli.

17. Sasaksakin ng kontrabida ang babae sa ending - yung parang hostage drama ang effect. Kung hindi saksak, edi baril.

18. Mag aagawan sa baril/kutsilyo ang kontrabida sa ingkwentro nila. Syempre habang magkadikit sila biglang may puputok na hindi naman sakto sa pagkatulala nilang parehas tapos " itutuloy sa lunes......"

19. Syempre ang panghuli- ang pinaka huli- darating ang pulis. Hindi ko na matandaan kung sino ang nabaril.

Wala lang ako mapagtripan kaya naisulat ko ito.. hindi ko lang kasi matanggap na hindi makilalang si darna ay si narda na nilagyan lang ng pakpak sa noo at kapa sa panty.




11 comments:

Hari ng sablay said...

hindi nman siguro mapaghahalatang fan na fan ka ng mga telesewrye nito, pero tama mga sinulat mo,haha ganyan din mga napapansin ko sa mga teleseryeng mdalas kwentuhan dito sa baryo namin,at ang ending... happy ending.

si keko said...

@ Hari ng Sablay:

haha HINDI ako fan no..
baka ikaw.. medyo affected lang ako sa mga nakakabobong ideya ng mga ito haha..
anyways.. musta na?

manik_reigun said...

korek. di hamak na tumatalino na ang mga writers ng mga drama na ito.
bakit di nila subukang gumawa ng teledrama ng batibot?
pero kung ako'y si ding, liligawan ko na talaga si darna. onetime lang. lols

adz said...

haha hoy langya ka keko,.
natawa ako d2 ah..haha

panu n ung sikret naten
na pag nanunuod ka ng MMK
may hawak kang panyo lage..

nyaks,.haha joke2,imbento
hehe

Anonymous said...

hmmm
parepareho lang ang elemento ng teleserye
kapag wala ang isa sa mga yan
malamang hindi teleserye ang tawag diyan

noontime show na!
haahahahaha











.xienahgirl

si keko said...

@ Ads:
sira ka. alam mo naman na anime lang ang tinatanggap ng mata ko.
@ anonymous:
malamang nga hahaha
@manik_reigun:
hirap itype ng name mo pede mr na lang? haha
tama ka nga naman jan...

tim said...

hello there, cool topic today!! take care...

Anthony said...

kelan ba naging maaga ang mga pulis na yan ahehe, tnx sa pagdaan at pagcomment sa site ko

Anthony

ACRYLIQUE said...

Kumusta ka na? Pareho pala tayong pawala-wala. hihi.

r-yo said...

dahil walang choice, nanonood pa rin ako ng pinoy teledrama. pero yung ibang di ko na talaga ma-take iniwasan ko na. Lalo na yung Ngayon at Kailanman - yung namamatay nabubuhay! at sakit sa ulo sa pagka OA ang mga characters! :-)

KORKI said...

ate ate ok ka lang b ??

Post a Comment

 

Pink Girlz Blogger Template | Blogger Clicks Design