The lost Pirate

My Photo
si keko
somewhere, out there, Philippines
Trip ko ang tumunganga pero busy ako sa buhay. Marami pa ako gusto isulat at iguhit kaya di pa ako pwedeng mawala sa mundo. Minsan natatakot ako sa bukas pero mas natatakot akong mabura ng ganun ganun na lang.
View my complete profile

August 30, 2009

bakit hindi dapat maglinis ng kwarto



Noong huwebes, isang okasyon na halos minsanan lang sa isang taon maganap, naglinis ako ng kwarto. Hehe. Totoo, minsanan lang pero lahat ng sulok siguradong malinis. Ganun kasi ako. mas ok nang ipunin ‘yung kalat para isang linis na lang hehe. At may sampung bagay akong nakita na nakapagpangiti/nakapagpalungkot sa akin.

1. Test paper ko noong 2nd year college sa DBMS(subject na Malabo pa sa imburnal). Ang skor?
-26/150. Ayos nga iyon eh. Iyun na ata ang pinakamababa kong iskor sa exam. Adik kasi ‘yung teacher ko. SUPER hirap ng exam ‘yung tipong kinuha sa singit ng aklat at imposibleng exam talaga ‘yun. Saan ka nakakitang multiplechoice pero dapat palang isulat ‘yung answer. Jusmio pulgoso simula noong naging tao ako ang alam ko sa multiple choice eh choice ang isusulat. Anyways... nakapasa naman ako sa subject.

2. Nakita ko rin’yung mga dating drawing ko. May anime, may sketch ng tao, may abstract, may hindi tapos. Nakita ko ring ‘yung mga drawing ko noong bata pa ako sa art class ko dati. Dati sabi ng teacher ko ang husay ko daw at laging mataas grade ko pero ngayon ko lang napagtanto na ‘yung drawing kong mukhang pusit eh parol pala iyon. Hindi ko maamoy ang simoy ng pasko. Hehe.

3.Nakita ko ‘yung regalo sa akin noong graduation ko noong high school ng kapatid ng nanay ko. Isang sleeveless na neon green. Natawa ako kasi mukha akong traffic light pag suot ko ‘yun at isa pa hindi ko iyon isusuot. Ang alam ko eh itinago ko na lang para remembrance.

4. Nakita ko ‘yung ginawa kong regalo sa mga klasmeyt ko noong bago mag graduation noong high school. BATO. Seryoso. Hailed most creative ‘yung gawa ko. BATO haha. Pininturahan ko ito ng pink at nilagyan ng kakaibang design tapos ibinalot ko na parang pang give away sa kasal. Nakakalungkot talaga pag naiisip ko ang high school. Marami akong masasayang memories doon.

5. bigla na lang lumitaw ‘yung application form ko sa UP at TUP. Nakakalungkot lang kasi gusto ko sanang maging architect o mag philosophy o kahit alin sa mga frustrations ko. Eh hindi na ako nakakuha kasi tinamad ako magpasa at isa pa ayaw ako pag aralin sa manila kasi magulo daw doon. Sabi ko hindi naman basilan ‘yun ah. Unti-unti ko na rin naman nagugustuhan kung ano course ko ngayon.

6. ‘yung mga sulat ng mga klasmeyt ko sa akin dati naitabi ko rin pala... sa ilalim ng kama ko hehe.. nakakatuwa lang ‘yung mga pinagsasabi nila. Parang ang corny pero tagos sa puso.

7. ‘yung kauna unahang pinagbabawal na cd sa kabataan. Isang makamundong anime na pinahiram sa akin ng klasmeyt ko dati. Hehe. Dala lang ng curiosity kaya pinagtripan ng buong barkada. Natatandaan ko muntik pa kaming mahuli noong nanay ng kaibigan ko. nagtago kami sa closet tapos ipinahid ko sa palda doon ‘yung chichiryang kinakain ko tapos nakita ko suot ng nanay n’ya yung palda noong recognition day. Haha. Ang title ay secret ^^ tapos noon wala na.. wala rin kasing kwenta nakakadiri lang.


8. nakita ko rin ang walang kamatayang project noong high school, ang book of life. Napansin ko mali pa ‘yung grammar ng teacher ko sa comment na ibinigay n’ya sa akin. “good work. Next time lessen colors of the your work.” Siguro bangag si maam noon o kaiinum lang kaya ‘yun ang kinomment nya..
9. ‘yung taperecorder ko na may laman pang bala. Ipinlay ko. natawa lang ako sa narinig ko kasi ito ‘yung time na nirerecord ko ang mga boses namin noong nag group review kami. ‘yun lang ang ginawa ko hindi ako nagreview kasi nga aliw na aliw ako sa mga pinabilis na boses na parang chipmunk.

10. ‘yung picture ko noong high school. Mahaba pa ang buhok ko noon. Dyahe naman. Nakakapanghinayang. Kailangan ko kasing putulin ang buhok ko kasi mainit ang panahon. Di bale pag nagtrabaho ako sa north pole magpapahaba na akong buhok.


Ang dami pang bagay na nakita ko. may naalala at may nakalimutan na. Nag iba ang tingin ko sa mga dating basura sa ilalim ng kama ko. Mahahalaga pala ang mga ito. Kaya pala ganoon na lang ang tutol ng nanay ko na wag itapos ang collection n’ya ng garapon ng ladies choice at kutsara ng Jollibee kasi tulad ng mga ito na mukhang basura... may halaga rin pala..



Video ng kwarto by sugar free.





8 comments:

PinkNote said...

hehe pareho tayo, di na nakakapaglinis ng room.. mas grabe pa ngayon na may work at may makulit na baby na gusto lagi maglakad, bihira na talaga malinis..hehe

chikletz said...

nostalgic na nostalgic ah. hehe. may mga sulat din kami na puro kakornihan pero tama..tagos sa puso.. hehe..

abe mulong caracas said...

psst nakakahilo basahin yung layout...

pero pinilit ko pa rin hehehe

mingkoy said...

uhm.. wala ka bang nakita na mga love letter?... Yeeeeeheeeee! ayaw ikwento... hihihihi.
Madami talagang muling natatagpuan ng hindi inaasahan. Minsan malalaman mo na lang na may mahalga ka palang nalimutan..

Anyways, patingin nga nung pic na mahaba ang hair... hehehe, joke jokan lang..

Cheers!

Goryo said...

may sense din pala kapag once a year mo lang linisin ang kuwarto mo.. bukod sa maalala mo ang mga memories ng nagdaang panahon.. may mga lessons ka pang matututunan..

6. ‘yung mga sulat ng mga klasmeyt ko sa akin dati naitabi ko rin pala... sa ilalim ng kama ko hehe.. nakakatuwa lang ‘yung mga pinagsasabi nila. Parang ang corny pero tagos sa puso.

mga lab-letters toh noh.. ahihihi

Hari ng sablay said...

naks naman teka wala kabang nakitang picture ng ex mo,hehe

si keko said...

@hari ng sablay:

marami akong x.....
yung punyetang hinahanap sa algebra..
pero kung ibang x iniisip mo.. wala akong ganun kasi di uso sa bundok un.

Anonymous said...

hindi ko ugali ang maglinis
iba kasi ang konspeto ko ng linis
yung basura para sa akin
e mahalagang gamit ng iba
naitatapon ko lang
hahahaha

magulo sa kwarto ko
pero kahit magulo
alam ko kung saan nakalagay
ang mga gamit ko







.xienahgirl

Post a Comment

 

Pink Girlz Blogger Template | Blogger Clicks Design